8 – Nahuli ni Goodboy si Badboy
“Punta ka sa kabina ko mamaya. . . 9.15pm. . .”, bulong ni Joem kay Ram. Mapilit ang boses. “Basta siguraduhin mo. . . pumunta ka.”
Nag-iinuman ang mga naka-off duty na mga marino. Naka-4 na bote ng beer na si Ram. Kulay-makopa na ang mestisong chinito. Alam niya na mukhang lasing na siya, ngunit alam niya na kaya pa niya uminom ng ilang bote pa.
Marami na rin na inom si Joem, maging ang mga ibang kasamahan ay halos lasing na. Mga 2 or 3 lang ang natirang matibay — sina Greg, Berto, at pati si Draemond — kahit lango sa alak na rin mga ito.
Nagpaalam na si Ram. “Balik muna ako sa kabina ko. Maliligo muna ako. . . idlip muna ako. . . sobrang dami na naimon ko eh. . .”
“Punta ka sa kabina ko. . . sige na. . .” Inulit ni Joem ang pag-anyaya kay Ram. Lalong naging mapilit ito. “Ituloy natin ang inuman doon. Basta. . . asahan kita. . . hindi ka pwede umayaw, tarantado ka. . .”
——————————
Sumampa si Ram sa kama at sumandal sa dingding. Naging maaliwalas ang pakiramdam niya pagkatapos maligo sa malamig na tubig. Naibsan ang pula at init ng maputing balat niya. Nakasuot pantulog na siya: brief, workout shorts na luma at maluwang na tank top. Hawak niya ang huling bote ng beer na dinala niya pagbalik sa kabina— may konti pang natitira.
Naalimpungatan siya — natapon ang natirang beer sa binti at kama. Napaidlip na pala siya.
Gusto pa ni Ram ng isa pang bote bago matulog. Lalabas na siya muli sa kabina nang maalala niya ang hiling ni Joem kanina: ‘Punta ka sa kabina ko. . . asahan kita. . . hindi ka pwede umayaw’
Tumungo si Ram sa kabina ng ka-tropa — nasa parehong deck sila. Sabi sa kanya sumunod ng alas-9. Kaso, 9.35pm na. . . gising pa kaya si Joem? O, baka nasa labas pa. . .?
Pinihit niya ang pinto ng kabina ni Joem — bukas ito. Tahimik sa loob. Malamlam ang liwanag na tanging nanggagaling sa naka-awang ng pinto ng banyo. Natanto niya na may tao sa loob, kaya tahimik ang yapak niya, hindi siya gumawa ng ingay.
Pagkasara niya ng pinto, at nasanay na ang mata niya sa dilim, natanto niya na may ibang ingay — maliban sa mahinang dagundong ng makina ng barko.
Nagulat siya sa nadatnan niya. Nanumbalik sa alaala niya ang nangyari sa kanila ni Joem sa bosun store at ang napagkwentuhan na mga lihim na larong apoy sa barko.
May lalaking nakatihaya sa kama, nakasukbit sa balikat ni Joem ang dalawang maugat na paa nito. Hubo’t-hubad si Joem. . . at ang matigas na puwet nito ay pumipiston gamit ang likas na estilo nito — gumigiling pakanan o pakaliwa na tila binabarehan ng bagong butas ang kakantutan nito.
“uuuhhh. . . uuuuhhh. . . uuuuhhhh. . . tangina mo, ang sarap mong kantutin”. Bakas ang labis na kasarapan sa boses nito.
Kinakabahan si Ram. . . naasiwa, naalibadbaran siya. . . hindi ito ang nakasanayan niya. Gusto niyang lumabas sa pinto. Nahihiya din siya, at lalong nahihiya para sa kung sino man ang kinakantot ni Joem.
“Psssttt. . .”. Nakatingin si Joem sa kanya. . . at tumango ito — senyales na inaanyayaan siya na pumasok. . . at sumali.
Aatras na sana si Ram, ngunit nangibabaw ang bagong usbong na kalibugan niya. Imbes na lumabas ng pintuan, ni-lock niya ito.Dinala siya ng mga paa niya, na tila may sariling pag-iisip, palapit sa dalawang lalaki sa kama.
Ganado ang pag-indayog ni Joem. Labas-masok ang titi niya sa lagusan ng lalaking nakahiga at nakabukaka. Hindi pa rin matanto ni Ram kung sino ang lalaking binibiyak ni Joem. Walang madidinig kundi ang gumagaralgal na ungol nito.
Tumabi si Ram kay Joem, at pabulong na binati siya nito, “. . . ang tagal mo naman, ‘tol. . . sabi ko sa iyo pumunta ka ng alas-9. Inumpisahan na namin. . .”
Natanto ng nakatihayang lalaki ang pagsali ni Ram. . . nanlaki ang mga mata, tila nangamba. Akmang pipiglas, ngunit mahigpit ang kapit ng mga kamay ni Joem sa namumutok na braso nito, at nakatuhog na ito sa gabakal na titi ni Joem.
Napatitig ng husto si Ram sa lalaking nakabukaka sa ibabaw ng kama ni Joem. . . maumbok ang dibdib at malapad ang bulto. Nagtitigan ang dalawa — syempre, magkakilala sila! Ilang beses na silang nagkasabay sa gym, dahil pareho silang mahilig magbuhat at magworkout.
Hindi makapaniwala si Ram — si Mond ito! Isa sa pinaka-maskulado at batak na marino sa barko, lalaking-lalaki ito. . . at eto, may tarugong sumisiksik sa lagusan nito, nakanganga at humihingal sa sarap, na parang putang parausan.
“Tol. . . ang sarap kantutin ni Mond. . .”
Swabe ang pag-indayog ni Joem. . . mabagal ang pagkabaon, sagad hanggang kaibuturan. . . gigiling muna, at marahan ang paghugot na halos ulo lang ang nakababad. . . bago ito ibaon ulit ang sandata. Sa bawat hagod ni Joem, madiin ang paggalugad nito. . . bakas sa mukha na ninanamnam ang sarap ng butas ni Mond.
Hindi na alam ni Ram kung paano siya napasampa sa kama. . . at nandun na siya nakaluhod sa may uluhan ni Mond. . . nais niyang ipasubo ang titi sa bibig nito. Ngunit, pumaling ang ulo ni Mond. . . iniiwasan ang pagpachupa ni Ram.
Inabot ni Mond ang kamay niya at dinala sa dibdib nito. . . nais nito na laruin ni Ram ang mga utong niya. At ganito ang ginawa niya. . . napaigtad si Mond sa sarap sa paglapirot at paghaplos ni Ram sa maselan na mga utong.
“Kainin mo utong niya. . .”, utos ni Joem. “Trip niya yan. . .”
Yumuko si Ram. . . dinilaan ang maumbok na dibdib ni Mond, at salitan na sinupsop ang magkabilang utong nito. Nang pumaibabaw si Ram, naabot din ni Mond ang dibdib niya. . . at nagdilaan silang dalawa ng utong habang magkabaliktaran. Sarap na sarap ang dalawang maskuladong lalaki sa pagdede sa parehong maumbok na dibdib ng kapwa.
Hindi nagtagal, tinapik ni Joem si Ram. “Tol. . . gusto mo? Ikaw naman. . . kantutin mo si Mond.”
Mabilis ang kilos ni Ram. Agad na kumalas siya, at puwesto sa pagitan ng nakabukakang mga binti ni Mond, habang hawak pa rin ni Joem ang isa sa mga paa nito. Tinutuok ni Ram ang ulo ng titi niya. . . at agad na binaon.
Madulas ang lagusan ni Mond dahil sa naunang pagkantot ni Joem dito. Tila walang hirap na tinanggap ni Mond ang pag-araro niya, kahit napasinghap ito dahil sa bilis ng pagtira niya.
“Uuuuuhhh, uuuuuhhh, uuuuuhhh. . .”. Bumilis ang halinghing ni Mond, sabay ng mabilis na pagbayo ni Ram. Tila nanibago ito sa naiibang estilo ng pagkantot ni Ram. Bakas ang naghalong hirap at sarap sa halinghing nito.
Ninanamnam ni Ram ang pagbalot ng masikip na lagusan ni Mond sa titi niya. . . kita niya ang naka-unat na tumbong, halos sumasama ang laman nito sa bawat paghugot niya. Umaalon ang katawan ni Mond sa bawat pagbirada niya pabaon. Lalo siyang nag-init na tanawin. . . maskulado, guwapo, walang kabahid-bahid. . . at nakabukaka, tinatanggap ang pagsalakay ng kapwa lalaki.
Nahahalina si Ram sa de-ocho ni Mond, na ngayon ay halos matigas na rin. Nakahimlay ang burat sa maukit na abs nito. Hinawakan niya ito. . . halos di buong mahawak ng kanyang nakapaikot na daliri dahil sa sobrang taba, at lagpas sa kamay ang haba. Nagtaas-baba ang kamay ni Ram, sabay sa ritmo ng pagkadyot niya sa lagusan ni Mond. Parang may hawak siya na joystick. . . nilalamas niya ang burat nito sabay sa pagbayo niya.
Nilubayan ni Ram ang burat ni Mond, at yumuko siya. . . sinentro ang pansin sa malapad na dibdib nito. Napaliyad si Mond nang dumako ang labi ni Ram sa mga utong nito. . . palipat-lipat siya sa kanan at kaliwa. Napahawak si Mond sa ulo niya, lalong dinuduldol siya sa dibdbit nito.
Di nagtagal, naramdaman ni Ram na may nakahawak na sa puwet niya. . . si Joem ito. Una, nilalamas ang matigas niyang mga pigi. . . kasunod ang ginigiya na ni Joem ang pag-indayog niya. . . tila minamaneobra ang bawat pag-ulos niya kay Mond. Mainit ang hininga ni Joem sa tenga niya, bumubulong, “. . . ganyan. . . sige, igiling mo, nang masarapan si Mond. . . ibaon mo. . . sige, galugarin ng titi mo ang butas niya. . .”
Bago ni Ram marating ang rurok niya. . . hinihila na naman siya ni Joem, kinakalas siya. “Ako na naman, ‘tol. . . ako muna. . .”
Pinagbigyan ni Ram ito. Paghugot niya, agad na binaon ni Joem ang sarili sa namamagang butas ni Mond, at nag-umpisang bumarurot. Kung banayad ang pag-arara niya kay Mond kanina, ngayon ay mas mabilis, mas marahas at mas mapilit ang pagkasta niya. Tila sinaniban na ito. . .
“Putang ina. . . aaaaaahhhh. . . pare, ang sarap mo, aaaaaahhh. . . ‘pre, ang sarap. . .”
Ngayong lang narinig ni Ram ang boses ni Mond. Napaungol na ito. “. . . uuuuhhhh. . . gago ka, anong ginagawa mo sa akin. . . tangina mo. . . SIGE, KANTUTIN MO AKO. . .!!!”
Ito ang hudyat na tila hinihintay ni Joem. . . bumilis ang pagbarena nito. . . “Aaaaahhhh. . . ayan na ako, tangina ito, ‘pre. . . aaaahhh. . .”
Pinutok ni Joem sa loob ni Mond. . . tapos, hinugot nito ang sumisirit na burat, at pumutok pa sa labas, pumilandit ang tamod nito sa titi at tiyan ni Mond. Hindi pa na-kuntento, pinasok muli nito ang titi at patuloy ang pagbayo. “Aaaaaaahhhhh. . . uuuuuuhhhhh. . .”
Nakakadala ang pinapanood ni Ram. . . parang live show, kaya bumilis ang pagjakol niya sa sarili. Paghugot ni Joem, pumalit agad si Ram. Hindi na niya binigyan ng panahon si Mond na mamahinga. . . agad niya itong binayo, sinusundan ang mainit at mabilis na pagkasta sa maskuladong lalaki na nagpaparaya sa dalawang nakababatang kasamahan.
Ramdam ni Ram ang mainit na tamod na inimbak ni Joem sa loob ni Mond. Lalong napapadulas at napasasarap ang pagkantot niya. Pinipilit niyang kontrolahin ang sarili, pinipigilan ang nalalapit na pagsabog . . gusto pa niyang patagalin, ayaw pa niya labasan.
“Aaaaaaah. . . tangina mo, ‘pre. . . ang sarap talagaaaaaaaa. . . aaaaahhhhh. . .”
Sa sobrang sarap, kinakagat na ni Ram ang sinisipsip na utong ni Mond. At lalo napapaliyab ang sarap na nararanasan ni Mond. . . bumalik ang mabilis na pagsalsal nito sa sarili, habang inaararo ito ni Ram. Hayok na hayok na ang dalawang lalaki sa isa’t-isa. At pati si Joem, na nakapagpalabas na, ay naudyok na laruin ang sariling titi na nanlambot na, habang nilalamutak nito ang umiindayok na pwet ni Ram.
“Sige, Ram. . . kantutin mo pa si pareng Mond. . . tangina niyo. . . ang lilibog niyo. . .”, udyok ni Joem.
“Shit, Mond. . . ang saraaaaaaaap. . . aaaaahhhh. . .”. Ramdam ni Ram ang pagkislot ng lagusan nito.
Naalala ni Ram kung paano gumiling si Joem, at ginaya niya ito. . . tila may nasusundot siya sa loob ni Mond. . . ang bawat hagod ng titi niya ay may natatamaan na lalong ikinaliliyad ni Mond, at lumalalim ang mga ungol nito.
“Tangina mo, Ram. . . ang sarap mong kumantot. . . warakin mo ako, ‘pre. . . warakin mo pa ako. . .”
Nanginig si Mond. . . at sumirit ang malapot na dagta — abot sa baba ang unang sirit. “Aaaaaaahhhh. . . tangina niyo. . . aaaaahhhh. . .”
Hindi na makayanan ni Ram ang matinding sarap na nararanasan. . . nakakaliyab panoorin ang nakabukakang bortang lalaki, sumisirit ang tamod sa de-ochong burat habang labas-pasok ang titi sa makipot na butas.
Halos mapugto ang hininga ni Ram. . . hindi na maka-ungol. . . binaon na lang ang sarili, nangisay, . . at bumulwak ang tamod niya sa kaloob-looban ni Mond. “Ah, shit. . .”
Napahilata si Ram sa isang tabi ni Mond, at si Joem sa kabila nito. Pareho silang lahat lupaypay. . . ang dalawa ay naligo sa pawis, ang isa ay naligo sa tamod.
“Linis tayo, ‘pre.”. Naunang pumasok sa banyo si Mond. Sumunod dito si Joem.
Nilingon ni Joem si Ram. “Sunod ka na lang mamaya, ‘’tol. . . hindi tayo magkasya sa banyo. . .”
Wala na narinig si Ram. Inangkin na siya ng antok, dahil sa pagod at dami ng nainom.
——————————
“hahahaha. . . ano ba! Sige na. . . hahaha. . . ikaw naman. . .”
“Tangina mo. . . hehehe. . . sige na nga. . . lintik ka talaga. . . hehehe”
Nagising si Ram sa mahinang tawanan na nagmumula sa maliit na banyo ng kabina. Halatang naghaharutan ang dalawang naliligo. Hindi muna si Ram bumangon. Hintayin niya makalabas ang dalawa bago siya naman ang maglinis ng katawan.
Naamlimpungatan si Ram. Hindi niya alam kung gaano katagal siya naidlip. . . sa estima niya ay hindi naman gaano katagal dahil nasa loob pa rin ng banyo ang dalawa.
Biglang nawala ang antok niya. . . mahina man ang tunog ngunit hindi mapagkaila ang bulungan nila. . .
“uuuummmm. . . uuuummmm. . . tangina naaaa. . .”
May naubo. “Sandali, sandali. . .”
Naka-ilang saglit na ganito ang bulungan. Bumangon si Ram, tahimik na lumapit sa banyo. Bahagyang naka-awang ang pintuan nito.
“aaaahhhh. . . shit, tangina. . . aaaaahhh. . . ganyan. . .”
“Huwag ka masyadong maingay. Baka magising si Ram. . .”
“Eh di mabuti. . . nang makita niya ang badboy niyang kaibigan, mahilig pala. . .”
“Ikaw diyan ang mahilig. . . ulol. . .”
“Malibog lang ako. Pero ikaw. . . malibog na, may tinatagong hilig.”
“Tumahimik ka nga. . . ang dami mong alam.”
“Sige na, badboy. . . uuuuuhhh. . . mmmmmpppp. . .”
Tumahimik ulit. Kahit lagaslas ng tubig ay walang maririnig. Maingat at dahan-dahan na sumilip si Ram. Hindi niya inaasahan ang nadatnan niya. Nagulat man si Ram sa nadatnan, ngunit napako na ang mata niya sa nagaganap. . .
. . . Mapusok ang laplapan ni Mond at Joem. Hindi makapaniwala si Ram na dalawang lalaki ay pwede maghalikan ng ganyan. . . dila sa dila, laway sa laway. . . nakasandal si Mond sa dingding, dinuduldol ni Joem ang sarili niya dito, habang nakayapos naman dito si Mond, sinasakmal ang dalawang pigi ni Joem. . . nilalamas ito, at sinusuksok pa ang mga daliri sa masikiip na hiwa.
Unti-unti ang pagbaba ni Joem, dinidilaan ang panga at leeg ni Mond, hanggang sa lumapat ang labi nito sa malapad na dibdib ni Mond.
Dinilaan muna ni Joem ang matulis na mga utong nito. . . at saka sinisipsip. Napaigtad si Mond sa marubdob na paghigop ni Joem.
“Aaaaaaah. . . tanginaaaaa. . . kainin mo ang mga utong ko. . . tangina, ang sarap. . .”
“Ssssshhhh. . . huwag maingay. . . baka magising si Ram. . .”, pagsaway ni Joem, bago tumuloy ang pagbaba ng labi. Kahit nakatalikod ito sa pintuan, natanto sa pagliyad ni Mond na kinikilig ito sa pagsiksik ng dila ni Joem sa pusod nito.
“Aaaaaah. . . putang ina. . . isubo mo, gago ka. . .”. Nagtaas-baba ang ulo ni Joem sa harapan ni Mond, habang nakaluhod ito sa sahig ng banyo. Nakakapit ito sa malapad na mga hita ni Mond, nakausli ang batak na puwet.
“Ganyan. . . kaya mo pala isagad ang malaking sawa ko. . .” Walang puknat ang pagngudngod ni Joem sa batuta ni Mond. Hinawakan ang ulo nito ni Mond at diniin ito, hudyat na sinasagad na nito ang titi sa lalamunan ni Joem. Naalala ni Ram kung gaano kalaki ang titi nito. At walang pagkontra na nakikita sa katawan ng nakaluhod na lalaki.
“Tama na muna. . . doon tayo sa kabina. . . at sisingilin na kitang ng bayad, para sa pagkantot mo sa akin. . .”
Mabilis na bumalik si Ram sa kama. . . humiga ng patagilid, pinatong ang braso sa mukha nang hindi mahalata na gising siya. . . at nagkunwaring tulog. Wala nang panahon na humablot ng kumot at takpan ang hubot-hubad niyang katawan, dahil pabalik na ang dalawa.
Kinuha ni Mond ang kumot at isang unan at nilatag sa sahig. “Dito tayo. . .”
Nagpalipas muna ng ilang minuto si Ram. . . pinigil ang paggalaw, binagalang ang paghinga, at nagkunwaring humihilik. Nang matanto niya na abala na ang dalawa sa sarili nilang laro. . . dumilat si Ram, at sinanay ang mata sa dilim. Inayos niya ang puwesto ng braso niya para meron pa rin siyang nakikita kahit natatakluban ang mukha niya. Mabuti na lang at iniwan nila na naka-awang ang pintuan ng banyo, kaya may sapat na liwanag sa loob ng kabina.
Nakatihaya si Mond sa sahig. Dahil patagilid ito sa pananaw ni Ram, naaninag niya
Patagilid sa pananaw ni Ram ang pagtihaya ni Mond sa sahig. . . kaya naaaninag niya ang silweta ng nakatayong titi. . . at malinaw ang pagtaas-baba ng ulo ni Joem habang sinusubo nito ang dakilang sawa ni Mond.
“Aaahhhh. . . shit, isubo mo lahat. Aaaaahhh. . . ganyan.”
Tumigil si Joem. “ssssshhhh. . . ang ingay mo. Baka magising si Ram. . .”
“uuummmm. . . OK lang magising siya. . . siguradong magpapatsupa din yon. . .”
“Pwede ba. . . ilihim na natin ito. . .?”
“Hahaha. . . ayaw mo malaman niya na ang babaerong badboy na ka-tropa niya ay mahilig na ngayon kumain ng burat. . .? hahaha. . . sige. . . isubo mo lahat. . .”
Bumalik sa Joem sa pagchupa. Swabe ang pagtaas-baba. Parang hindi na ito nabibilaukan, dahit dambuhala ang nakapasak sa bibig nito.
“UUUUUHHHHH. . .!!! Tangina mo, aaaaaah. . . ang sarap niyan. . .”
“Sssssshhhh. . . ‘pre, ano ba. Ang ingay mo. . .”
“Tama na yan. . . baka labasan ako bigla. Sige na. . . yayariin na kita. . .”
“Sandali. Kailangan natin ng pampadulas. Tangina mo. . . hindi ko kakayanin yan, kung laway lang ang gagamitin mo. . .”
Bumangon si Joem sa pagkasubsob sa harapan ni Mond, at kinuha ang bote ng pampadulas sa kabinet niya. Dumaan din ito sa kama. . . at inusisa ang pagtulog ni Ram.
Pumikit si Ram, at muling nilaliman at binagalan ang paghinga. . . nagpapanggap na tulog. Ngunit, alerto pa rin ang kanyang tenga. Lumipas ang ilang sandali na walang nagsasalita. Walang siyang madining kundi ang mahinang kaluskos at mababaw na halinghing.
“UUUUUUGGGHHHHH. . . PUTANG. . . I. . . N. . . AAAAAA….!!!”
Malakas ang hiyaw. Hindi ni Ram napigilan ang biglang pagdilat. . . at tumingin ulit sa dalawang lalaki na binobosohan niya.
Nakakandong si Joem sa ibabaw ni Mond, na nakatihaya pa rin sa sahig. Nakatutok ang malaking burat sa butas nito. . . at unti-unti ang pagdausdos nito. . .
Nakatingala si Joem, naka-awang ang bibig. . . nag-aagaw-hininga. Bakas sa mukha at halinghing ang hapdi at hirap na dinaranas nito. “Uuuuuhhhh. . . tangina. . . ang laki mo. . .”
Mahigpit ang kapit ni Mond sa balakang ni Joem, na tila naninigurado na hindi kakalas ang tinutuhog na lalaki. “Kinaya mo noon. . . kakayahin mo ngayon. . . konting tiis lang. . . sasarap din yan mamaya. . .”
“Mmmmmpppp. . . uuh, uuh, uuh. . . mmmmmpppp”. Impit ang ungol ni Joem habang inuupuan nito si Mond, pilit na isiksik ang dambuhalang burat sa butas. Gusto na nito humiyaw, ngunit takot ito na magising si Ram at mahuli sila sa akto.
Nagpakawala si Mond ng isang malalim na daing. “uuuuuhhhh. . . shit! Ang init, ang sikip mo. . . tangina na, ang sarap mong biyakin. . . AAAAAAHHHH. . .”
“Tangina mo. . . baka magising si Ram.” Sinaway muli ni Joem ang kapareha.
“Uuuuhhh. . . hayaan mo siya. . . ayaw mo nun. . . kantutin ka rin niya”, pagtukso ni Mond.
Kahit mukhang nahihirapan si Joem, nag-umpisa na ito gumiling. . . marahan lang muna. Di nagtagal, humihinete na ito sa ibabaw ni Mond, na wari’y pinapako ang sarili sa de-ochong burat ni Mond.
Nag-umpisa na rin si Mond na kumadyot paitaas, sinasalubong ang bawat ulos ni Joem.
“Dahan-dahan lang. . .”, pagreklamo ni Joem. “. . . aaaaahhhh. . . arraaaayyy. . . parang mahahati ang katawan ko, tangina mo. . .”
Sa kabila ng pagreklamo ni Joem, tuloy pa rin ang pag-indayog nito. Gusto na ni Ram magjakol. Gusto na niyang bumangon at sumali. Ngunit, nagpigil siya. . .
Paminsan-minsan, sumusulyap si Joem sa kinahihigaan ni Ram. . . sinisigurado na tulog pa rin ang ka-tropa. . .
“Shit, aaaaaahhh. . . ang libog mo. . . sige, warakin mo ako. . .”, udyok ni Joem. Unti-unting napapalitan ng sarap ang hapdi na kaninang bumabalot dito.
“Tangina mo Jo. . . ang sarap mong kantutin”, buska ni Mond. “Pagkatapos nito. . . yung good boy mong kaibigan naman ang wawarakin ko. . . birhen pa siguro yan. . .”
“aaaah. . . sige, si Ram naman tirahin natin mamaya. . . pero kantutin mo muna ako. Aaaaaahhh. . .”
“Ang kinis ni good boy. . . inosenteng-inosente at ang tigas ng katawan, ang sarap biyakin. . . aaaaahhh. . .” Lalong nalibugan si Mond na pinagpapantasyahan ang kadete, habang kumakabayo sa ibabaw nito ang mas bihasang marino.
Tinitimpi ni Joem ang sarili, takot na malaman ng kadete ang lihim nito. Gusto na nito na humiyaw. . . walang puknat ang pagwarak ni Mond sa namamagang lagusan. . . hindi mawari kung bakit pumayag ito na magpakantot. Dati-rati, puke ang pinagpaparausan nito, ngunit ngayon ay nagmistulang parausang puki na ito ng kapwa lalaki.
Sa bawat dausdos ni Joem, kumakadyot naman si Mond paitaas. . . dinig ang salpakan ng balat sa balat. Sinasalsal ni Joem ang titi. . . sa bawat pagpiga nito sa umiigting na sandata, ay pinipiga rin ng lagusan nito ang nakasalpak na titi ni Mond.
“Putang ina niyo. . . kantutin ko kayong dalawa, salit-salitan. . . ang sarap non. . . aaaaahhh”, halinghing ni Mond. “Tumuwad kayo pareho. . . at wawasakin ko kayo pareho, tangina ina niyo. . . aaaaaahhh. . . aaaaaahhh. . .”
“Ayan, ganyan, ‘pre. uuuuhhhh. . .”, mahinang daing ni Joem. Nangigigil na ito sa pagbati ng sariling tarugo, sabay ng pagbayo ni Mond. “Uuuuuhhh. . . kantutin ko rin si Ram, pagkatapos mong kantutin siya. . . ang sikip niya, sigurado. Uuuuuhhh. . .”
Nakakalibog ang kantutan ng dalawang marino sa sahig, at gusto nang sumabay ni Ram. Ngunit, kinabahan din siya sa kahalayan na pinagpapantasyahan ng dalawa — na siya ang isusunod na biyakin pagnatapos na sila. Ngunit hindi man lang siya makaungol, hindi man lang siya makatanggi. . . hindi man lang niya majakol ang sarili. Kailangan niyang magkunwaring natutulog pa rin. . . kahit tumitindi ang init ng bakbakan ni Mond at Joem sa sahig.
“Tanginaaaaaa. . . ‘pre. . . diyan, diyan….!!!” Giniling ni Joem ang sarili, hinahanap ang masarap na parte na sinundot ng titi ni Mond.
“Ang sikip mo. . . gago ka. . . gusto ko na kantutin si Ram. . . siguradong mas masikip pa yon. . . aaaaahhh. . .”
“Ayan na, ‘pre. . . ayan naaaaa. . .” Napaliyad si Joem. Muntik na ito natumba sa tindi ng nginig at sarap. Sumirit ang tamod. . . pinaliguan ang dibdib at tyan ni Mond.
“Sandali. . . hintayin mo ako. . . malapit na ako. . .” Bumilis ang pagtira na Mond. “Sandali. . . konti pa. . .”
Lupaypay na si Joem si ibabaw ni Mond. Ngunit hindi ito makakalas, sa higpit ng kapit ni Mond sa balakang nito. . .
“Tama na, Mond. . . aray. . . masakit na. Tama na. . . aaaaahhhh. . .”, reklamo ni Joem. Ngunit, tuloy lang ang pag-ulos ni Mond sa nawasak na lagusan nito.
“Pare, tama na. Aaah, aaah. . . si Ram na lang. . . siya na kantutin mo. . .”
“Ayan na ako, ‘pre. . . eto na. . .”. Sumalya ng malakas si Mond, sinagad ang burat sa butas ni Joem, ang inimbak ang mainit na katas. Nagpaubaya si Joem. Pagod na pagod na ito. . . hindi na kayang labanan ang huling pagbaon ni Mond.
Alam ni Ram na mabilis lang siya labasan. . . konting lamas lang sa naghuhumindig na burat niya. Ngunit, ayaw niyang gumalaw. Nanganganib siya, pagnalaman ng dalawa na gising pala siya.
“Putang ina, ‘pre. . . ang sarap mong kantutin.”
“Ikaw rin. . . ang sarap mong kantutin. Ha.ha.ha. . .”
“Si Ram naman. . . halika na, pagtulungan natin. Tangina. . . ang sarap niyang biyakin. . .”
“Mas masarap pa sa akin. . .? ha. . .?”
“Mainit ka. . . sarap mong kantutin dahil malibog ka. . . badboy ang dating. . .”
“At siya. . . good boy naman? Mas masarap ba yon. . .? Ha.ha.ha. . .”
“Halika na. . . Warakin na natin. . .”
May dumapo sa hubad na katawan ni Ram. Magaspang ang palad. . . marahan na hinihimas ang nakausling puwet. . . mabuti na lang at nakatagilid siya, at hindi mahahalata ang kanyang burat na tirik-na-tirik.
“Sarap lamutakin ang pwet nito. . . ang tigas, ang tambok. . . sariwa. . .”
“Sandali. . . pahinga muna tayo. . . said na said na ako. . .”
“Sige. . . rest muna. . . tapos, banatan na natin itong si Ram. . .”
“ . . . . . Oo. Maya-maya, gisingin natin. . . gisingin sa sarap at ligaya. . .”
Takot gumalaw si Ram. Kumakabog ang dibdib niya. Tila tambol ng puso niya ang tanging naririnig niya.
Hinihintay niya ang kasunod na gagawin ng dalawa. Tahimik ang kabina.
Di nagtagal, narinig niya ang mahinang hilik ng isa, at ang mabagal na paghinga ng pangalawa.
Nang matanto ni Ram na nakatulog na si Joem at Mond, marahan siyang bumangon. Hindi siya nahirapan hanapin ang hinubad niyang kasuotan kanina. Agad siya nagdamit. Walang ingay ang yapak niya patungo sa bungad ng kabina. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at lumabas.
Kumaripas si Ram pabalik sa sariling kabina at agad na ni-lock niya ang pintuan. Pumasok siya sa banyo, naghubad, at pinunasan ang katawan na nanlalagkit sa pawis at natuyong tamod.
Hindi na siya nagdamit. Agad na humiga siya, at nilunod ng antok.
Madilim. Wala siyang maaninag.
Ramdam niya ang pagtaas-baba sa kanyang naghihimutok na burat. Madulas. Mainit.
May matigas na nakatutok sa bibig niya. . . pilit na pinapasok ang labi niya. Pinaling niya ang ulo at itikom ang bibig niya. Hindi. Hindi siya chuchupa.
Ngunit, nakakanginig ang patuloy na pagtaas-baba sa burat niya. Napaigtad siya. . . napabukaka ang mga binti niya, nang mabigyan laya ito.
Napa-ungol siya. . . at pagbukas ng labi niya. . . may pumasok sa bibig niya. Hindi siya makagawa ng ingay. . . puno ang bibig niya.
May matigas, madulas at matulis. . . na kumakatok sa tumbong niya. . . mapilit ito. . . gustong ipasok.
Nanumbalik ang nadinig niya kanina — hindi niya maalala kung sino nagsabi nito — ‘Si Ram naman. . . halika na, pagtulungan natin. Tangina. . . ang sarap niyang biyakin. . .’
Tangina. . . si Joem ba ito? Putang-ina. . . baka si Mond. . . patay, mawawasak ako. . .
Bumibilis ang pagtaas-baba sa burat niya. . . masarap nga ito, ngunit nakakawindang ang pumapasok sa butas niya.
“ . . ayan na. . . lalabasan na ako. . .
UUUUUHHHHH. . .!!!
AAAARRRRAAAAYYY. . .!!!”
UUUUUHHHHH. . .!!!
AAAARRRRAAAAYYY. . .!!!
Dumilat si Ram. . . madilim. Wala siyang maaninag. . . nag-iisa lang siya sa kabina.
Sakmal niya ang burat niya. . . basa ang isang kamay niya, umagos dito ang tamod niya.
Nakabukaka siya. . . nakapasak ang kabilang kamay sa puwet niya. . . . . mahapdi. . . nakasuksok ang pinakadulo ng pinatulis niyang daliri sa tumbong niya.
Naglalaban ang ulirat at katawan niya. . . naghahalo ang pakiramdam ng pagkakasala at sarap ng pagnanasa.
———- ITUTULOY ———-
Leave A Comment